LUNSAD-AKLAT: SUBVERSO. NOB. 23, 2006

November 15, 2006

Subverso_full_cover_lowres
Book Launching of Subverso: Mga Tula at Kuwento Laban sa Pulitikal na Pandarahas

November 23, 2006 (Thursday), 2-5pm, Claro M. Recto Hall, Faculty Center, U.P. Diliman

Mykel Andrada, Joi Barrios and Rolando B. Tolentino / Editors

Contributing Writers and Artists:
Bayani S. Abadilla • Aurelio S. Agcaoili • Mila
D. Aguilar • Rio Alma • Mark Angeles • Monico M. Atienza • Romulo P. Baquiran •
Don Belardo • Herminio S. Beltran, Jr. • Kristoffer Berse • Ian Rosales Casocot
• Dexter B. Cayanes • Piya Cruz Constantino • Gary Devilles • Iris
Pagsanjan-Estrera • Tom Estrera III •  Eugene
Y. Evasco • Melecio Fabros • Jayson Fajarda • Edel E. Garcellano • German V.
Gervacio • Genaro R. Gojo Cruz • Vladimeir B. Gonzales • Kenneth Roland Al.
Guda • Lisa C. Ito • Estelito B. Jacob • Jose F. Lacaba • Bienvenido L. Lumbera
• Cynthia Nograles Lumbera • Maricristh Magaling • Rogelio Ordoñez • Will
P. Ortiz • Roselle V.
Pineda • Axel Pinpin • Nonilon V. Queaño • Peye Rana • Alexander Martin
Remollino • Elyrah Loyola Salanga • Romulo A. Sandoval • Ina Stuart Santiago •
Lilia Quindoza Santiago • Soliman A. Santos • Prestoline Suyat • Tomasito T.
Talledo • John Iremil E. Teodoro • Enrico C. Torralba • Renato O. Villanueva

 


From the Introduction:
Tereyn ng Panitikan at Pang-uring Tunggalian

Mykel
Andrada, Joi Barrios at Rolando B. Tolentino

Simula nang manungkulan
si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001,
umaabot na sa halos 800 ang kaso ng mga pulitikal na pamamaslang sa bansa. Ayon
pa sa KARAPATAN, isang alyansang nagsusulong ng karapatang pantao, simula 2001
hanggang Nobyembre 2006, humigit-kumulang 200 naman ang bilang ng desaparecidos
o iyong mga biglang naglaho dahil sa pandurukot ng hinihinalang mga elemento
rin ng militar at gobyerno. Ayon naman kay Purificacion Quisumbing, Tagapangulo
ng Commission on Human Rights (CHR), ang limang-taong panunungkulan ni Arroyo
ay nagluwal ng mas maraming kaso ng paglabag ng karapatang pantao kumpara sa
15-taong pinagsama-samang panunungkulan nina Corazon Aquino, Fidel Ramos at
Joseph Estrada. Nangangahulugan lamang na ang maikling administrasyon ni Arroyo
ang mas pasistang rehimen, kasama na ang diktadurya ni Marcos, sa kasaysayan ng
Pilipinas.

Ang kasaysayan ng bansa ay
kasaysayan ng protesta’t rebolusyon. Kasaysayan itong naiukit sa imahinasyong
pampanitikan ng bansa. Mula sa tradisyong protesta ng Kilusang Propaganda noong
panahon ng kolonyalismong Kastila sa bansa, sa rebolusyunaryong panulat ng
Katipunan, sa dupluhan at balagtasan, sa panitikang andergrawnd, hanggang sa
patuloy na pagyabong ng tradisyong radikal sa kasalukuyan. Ito ay kasaysayang
isinulat at isinusulat. Ito ay kasaysayang isinasagawa. Sa ganitong lapit
isinusulong ang ikaapat na serye ng Publikasyong Iglap, ang Subverso: Mga
Tula at Kuwento Laban sa Pulitikal na Pandarahas
. Ang koleksiyong ito ng
mga tula at maikling kuwento ay tumutuligsa sa umiigting na paglabag ng administrasyong Arroyo sa karapatang-pantao, kabilang na ang tumataas na bilang ng pulitikal na pamamaslang at dumaraming bilang ng desaparecidos.

Entry Filed under: Uncategorized. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

November 2006
M T W T F S S
« Sep   May »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Most Recent Posts