Tula Hinggil sa Human Security Act

July 3, 2007

Ang Bugtong na Ina ng mga Terorista

Mykel Andrada

 

Ang anak ay nakaupo na,

Ang ina’y gumagapang pa.

 

Nang
ang Ina’y makaupo na,

Ang
mga anak ay pinagapang na!

 

Hindi hari, hindi pari,

Nagdadamit ng sari-sari.

 

Parang
si Imelda, parang si Cory,

May
anak na palalo’t maarte.

 

Dalawang bundok,

May holen sa tuktok.

 

Mukhang
matambok,

May
holen sa sulok.

 

Isang prutas,

Pito ang butas.

 

May
higanteng nunal,

May
pitong sungay.

 

Isda ko sa Mariveles,

Nasa loob ang kaliskis.

 

Isda
ko sa Pasig,

Bilasa,
balisa.

 

Heto na si Kaka,

Bubuka-bukaka.

 

Heto
na ang reyna,

Nagmamaldita!

 

Heto na si Dong,

Bubulong-bulong.

 

Heto
na ang batas,

Butas-butas.

 

Dumaan si Tarzan,

Nahiwa ang daan.

 

Dumaan
si Mahal,

Sumikip
ang daan.

 

Sinampal ko muna,

Bago ko inalok.

 

Sinasampal
ka na,

Ba’t di ka pa lumahok?

Entry Filed under: Uncategorized. .



Leave a comment

Required

Required, hidden

Some HTML allowed:
<a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Subscribe to the comments via RSS Feed


Calendar

July 2007
M T W T F S S
« May   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Most Recent Posts